top of page
Untitled

Imus Unida Ecumenical Church

Feel the love of God with the people

Imus Unida Ecumenical Church wants to spread our message of hope and compassion. We believe that God empowers people to unite in action, to celebrate through God's grace, and to gather God's people in Leitourgia, Didache, Koinonia, Kerygma, Marturia, and Diakonia in Christ's Name through the Holy Spirit. We believe that we are here to be in solidarity with the whole of creations upholding the dignity and integrity of life towards inclusivity of God's Oikos. 

Learn More
Home: Welcome
Untitled

Who We Are

Our Roots are from the harmonized polity of Presbyterian, Methodist, and a touch of Congregationalist. 

Imus Unida Ecumenical Church is founded year 2000 under the garage of Rev. Dominador and Deac. Miriam Perez's house at Golden City Subdivision, Imus, Cavite. Today, the church building was located at Green Estate, Malagasang 1-F, City of Imus, Cavite.

KASAYSAYAN NG IMUS UNIDA ECUMENICAL CHURCH

Ang kapatiran sa Imus Unida Ecumenical Church ay bunga ng nagkakaisang pagtitipon ng ilang mga sambahayan na magbukas ng isang gawain na kakalinga sa mga itinuturing na aba sa komunidad lalo’t higit sa mga Senior Citizen na laging naiiwang mag-isa sa kanilang mga tahanan. Sa pangunguna ng mag-asawang Reb. Dominador Perez at Diak. Miriam Perez ay binuksan ang garahe ng kanilang tahanan sa dako ng Golden City Subdivision, Anabu II-D, Imus, Cavite upang doon ay magtipon. 

Ang unang mga sambahayang nagtipon doon ay ang mag-asawa nina Reb. Dominador Perez at Diak. Miriam Perez, pamilya nina Kptd. Herson Hembrador at Kptd. Ruth Hembrador, at pamilya nina Reb. Rolando Reyes at Diak. Corazon Reyes noong Abril 10, 2000 sa ganap ika-6 ng gabi. May ilang mga indibidwal mula sa mga kapit-bahay ang nahikayat na maging kaisa sa pagtitipon ng pag-aaral ng Biblia.

Dahil sa lumalagong bilang ng kapatiran na nagkakatipon sa dakong iyon, kinilala ng Ikaapat na Kapulungang Pantaunan ng Iglesia Unida Ekyumenikal ang kapatiran sa Golden City bilang Worshiping Community o Mission Church noong Mayo 20, 2000. Pagsapit ng ika-4 ng Hunyo 2000, unang Linggo, ay ginanap ang kauna-unahang umagang pagsamba at pagdaraos ng Banal na Hapunan ng Iglesya. Mula noon ay naisaayos ang Paaralang Lingguhan at Midweek Bible Study and Prayer Meeting. Sa panahong iyon ay hindi na lamang mga Senior Citizens ang nakasama sa mga pagsamba kundi may iba’t ibang mga edad na mula bata hanggang sa mga may gulang na.
Sa pagkakaisa ng kapatiran ay isinaayos ang unang Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia noong taong 2001. Nangailangan ang Iglesya sa Golden City ng mga guro na magtuturo sa panahong iyon. Kagyat namang tumugon ang pamilya nina Reb. Emmanuel Infante at Diak. Rosette Infante kasama ang kanilang mga anak, gayundin ang ilan pang mga kapatiran na bukas-loob na nagturo sa mga bata na dumalo sa gawain.

Nagpatuloy sa masiglang pagsasama-sama ang buong kapatiran sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga Home Bible Study sa ilang tahanan ng mga kaanib. Sa mga pagkakataon iyon ay nagpapatuloy ang misyon ng iglesya na pagbibigay ng libreng libro sa mga bata na magagamit nila sa kanilang mga pag-aaral. Sa kabila ng kaliitan, aktibong nakibahagi na sa mga gawaing pangkalaganapan ang kapatiran sa Golden City. Hindi naglaon, maraming kaanib ng kapatiran ang nahikayat na tumugon sa tawag ang Diyos na maging Manggagawa sa kanyang ubasan. Kabilang dito sina Kptd. Herson Hebrador noong taong 2004 at si Kptd. Roberto Reyes taong 2005, kapwa silang itinalaga bilang Katulong ng Pastor at Predikador Evangelista. Gayundin, kinilala ang paggampan ni Pastor Reynaldo Banson bilang Katulong na Pastor noong 2006. 
Ngunit sa magkakasunod na taon mula 2005 hanggang 2007 ay isa-isang yumao ang mga manggagawa ng Iglesya sa Golden City. Dahil sa pangyayaring iyon, ilang kapatiran rin ang umalis at hindi na nakibahagi sa pananambahan kaya’t bumaba ang bilang ng mga kaanib, nawala ang mga Home Bible Study, hindi na din naipagpatuloy ang 
Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia, at ang mga pagmimisyon sa mga komunidad. Sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng Iglesya, nagpatuloy sa pagkakaisa at paglilingkod ang mga kapatid na nanatili at sa pangunguna ng Diyos sa bawat kaanib, ginampanan nila ang mga gawain ng iglesya Linggu-linggo. Hindi din naman hinayaan ng IUE sa kalaganapan na magsara ang pinto ng iglesya, bagkus inalalayan nila ang kapatiran sa Golden City sa paghahalin-hinan ng gawaing pastoral tulad ng pangangasiwa sa Banal na Hapunan at Linggu-linggong pagsamba sa pamamagitan nina Reb. Leonardo Morada, Reb. Emmanuel Infante, Reb. Andreo Buerano, at Reb. Wilfredo Fernando.

Nagpatuloy sa pagsama-sama sa pananalangin at pagkakapatiran ang buong iglesya sa Golden City at bilang tugon sa kanilang mga panalangin, isang kapatid mula sa kapulungan ang buong-pusong tumugon upang maging katulong ng Pastor sa mga gawain sa katauhan ni Kptd. Rodel Rodriguez na dating volunteer na nag-aayos ng kapilya linggu-linggo. Taong 2008, siya ay itinalagang Predikador Evangelista.

Hindi pa man tuluyang nakababangon ang kapatiran sa pagharap sa suliranin ng pagkaunti ng bilang ng dalo, isang anunsyo ang ipinabatid sa kanila na ang lugar na pinaggaganapan ng pananambahan ay ipagbibili na ng may-ari nito. Kaya’t agarang naghanap ng lugar na mauupahan ang kapatiran upang magpatuloy sa pagsasama-sama sa pagsamba at pagkakapatiran ang iglesya. Sa pagkakaisa ng buong iglesya katuwang ang mga manggagawa nito, nailipat ang bahay-pananambahan sa Blk 28 Lot 15 Vienna St. Golden City Subd., Anabu 2-F, Imus, Cavite noong Hunyo 2009 sa pagpapaunlak at kabutihang loob na rin ng pamilya ni Pred. Rodel at Kptd. Merly Rodriguez na ipagamit sa Iglesya ang garahe ng kanilang inuupahang bahay, at nagpatuloy ang Gawain sa Golden City.

Sa panibagong yugto ng buhay ng iglesya ay buong pagkakaisa at pagtutulungan sa pagkilos na makapagbukas muli ng misyon ng pagtuturo at pagtulong sa ilang mga bata at sa kanilang mga pamilya na hikahos sa buhay sa dako ng Mary Cris Complex, Pasong Camachile II, General Trias, Cavite sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaunting magagamit nila sa pang-araw-araw at paggabay sa kanila na malayo sa di dapat na gawain. Muli ring nabuksan ang Home Bible Study sa mga kapatiran na nahati sa tatlong lugar: sa mga tahanan ng sambahayan ng mga Reyes tuwing Miyerkules; sa mga tahanan ng sambahayan ng mga Mendoza tuwing Huwebes; at sa tahanan ng pamilya ng Rodriguez tuwing Biyernes. Isa ito sa mga naging paraan upang muling pasiglahin ang mga natitirang sambahayan na nananatili sa iglesya sa Golden City. Unti-unti ring sumigla ang mga gawain ng mga kapisanan lalo na sa mga Kabataan. Bagama’t iilan lamang ang mga kabataang kaanib ng panahong iyon, nagkaisa sila na itayo ang Kapisanan ng Kabataang Unida Ekyumenikal-Golden City sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kauna-unahang gawaing lokal na ginanap sa Kadiwa Park, Dasmariñas, Cavite noong ika-26 ng Agosto 2012. Dahil sa magandang ulat ng Iglesya sa Golden City, sila’y binisita ng kasalukuyang Pangulo ng Iglesya sa kalaganapan, Pred. Justice Raoul Victorino, kasabay ang pagdiriwang ng Linggo ng mga Manggagawa. Noong ika-18 ng Nobyembre, 2012, sa pangunguna at gabay ng Dakilang Diyos at sa pagtutulungan ng buong kapatiran ay naisagawa ang isa pang pagmimisyon sa komunidad ng Brgy. May Mangga, Amadeo. Ngunit nang mabatid na mayroong malapit na kapilya ng UCCP sa dakong iyon ay tinagubilin na lamang sa kanila ang nasimulang misyon ng IUE.
Sumapit ang ikalabintatlong taong anibersaryo ng iglesya, Abril 2013, muling ginunita ng kapatiran ang kanilang kasaysayan sa pagdaan sa mga lubak ng buhay, pagkadapa, at ang pagtayong muli. Lubos itong naging makabuluhan sa bawat isang kaanib. Ngunit sa kabila ng kasiyahang naramdaman ng kapatiran, nalaman din ang balita na binigyan na lamang ng palugit na anim buwan ng may-ari ng bahay na ginagamit ng Iglesya sa Golden City sa kadahilanang gagamitin na raw ng kanilang pamilya ang gusaling iyon. Kaya’t ang buong kapatiran ay nanalanging muli sa Diyos at nagkaisang humanap ng malilipatan ng pagdarausan ng pagsamba.  Bagama’t humaharap sa mabigat na suliranin, hindi naawat ang pagtutulungan ng kapatiran upang patuloy na maglingkod sa Diyos at sa iglesyang ipinagkatiwala sa bawat isa. Muling binuksan ang Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia at ang kaunaunahang Local-Camp ng mga bata na magkasabay na ginanap at sa tahanan ng Kptd. Jesse Reyes at Kptd. Elisa Reyes sa Palazzo Bello, Carsadang Bago, Imus, Cavite noong ika-9 hanggang -10 ng Mayo 2013 na dinaluhan ng labing apat (14) na mga bata. 

Bago pa matapos ang anim na buwan na ibinigay na palugit ng may-ari ng gusaling pinaggaganapan ng pananambahan, isang kaanib ang nagpaunlak na ipagamit sa iglesya ang kanilang nabiling bahay sa katauhan ni Kptd. Marlujn Reyes. Unang Linggo ng Oktubre taong 2013 ay nagsimula ang pananambahan sa Blk 5 Lot 7 Phase 2 Green Estate Malagasang 1-F Imus, Cavite. Sa nagkakaisang desisyon ng konsilyo, pinalitan ang pangalan ng kongregasyon mula sa Golden City Unida Ekyumenikal ay tinawag itong Imus Unida Ecumenical Church. Mula noong makalipat ang kapatiran ay isinama na sa palagiang pananalangin ang pagkakaroon ng sariling bahay-sambahan ang Iglesya. Bagama’t maligaya ang karamihan sa mga kapatiran, may ilang mga kaanib ang hindi na nakibahagi sa pagsamba matapos na makalipat ng lugar sapagkat naging malayo na sa kanilang tahanan. Hindi na rin naipagpatuloy ang mga misyon sa Mary Cris Complex dulot ng kalayuan nito at sa kakulangan sa mga gagampan ng gawain doon kaya’t ipinagtagubilin na lamang ito sa mga iglesya sa dakong iyon.

Taong 2015, muling sinikap na mapasigla ang kapatiran sa pamamagitan ng pagsasaayos muli ng mga klase ng Paaralang Lingguhan at pagpapatuloy ng mga nasimulang pag-aaral ng Biblia sa mga tahanan ng mga kaanib. Gayundin naman, higit na naging masigla ang Kapisanan ng Kabataan at dumami sa bilang. Kaalinsabay nito, isang kabataan mula sa mga kaanib ang buong-pusong tumugon sa tawag ng Diyos sa paglilingkod bilang Predikador Evangelista at Katulong ng Pastor para sa mga Kabataan sa katauhan ni Kptd. J-ar Reyes. Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng buong kapatiran, sa lumalagong pananampalataya sa Diyos, muling itinindig ang mga kapisanang lokal sa paglilingkod sa Diyos, sa Iglesya at sa komunidad tulad ng Kababaihan-Kalalakihan o KabKal, Koro, at Paaralang Lingguhan. Dahil sa pagsigla ng mga gawain ng mga kapisanan at ang patuloy na pagsasagawa ng mga Home Bible Study, marami ang nahikayat na makibahagi at nagbukas ng pagnanais na maging kaanib ng kapatiran sa Imus.
Bago sumapit ang ikalabing-walong taong anibersaryo ng iglesya, taong 2018, ang panalangin ng kapatiran upang magkaroon ng sarili bahay-sambahan ay tinugon ng Diyos kaakibat ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kaanib. Tumungo sina Pastor Rolly, Kptd. Marlujn, at Kptd Janet sa PAG-IBIG fund upang iayos ang mga kaukulang papeles at makuha sa bidding ang gusali na nasa kanan ng pinagdarausan ng pagsamba. Sa isang buong araw na pag-aantay sa resulta habang ang lahat ay nananalangin saan man sila naroon, tinanggap ang magandang balita na napanalunan ng kapatiran ang gusali na kanilang minimithi. Kaya’t ito ay maligayang ipinagpasalamat ng kapatiran bilang kaloob ng Diyos. Mahigit isang Linggo makalipas ang Ikalabing-anim na Pantaunang Kapulungan ng IUE noong Mayo 2018, sa hindi inaasahang pagkakataon ay yumao si Reb. Rolando Reyes (Tagapangasiwang Pastor ng Imus) habang nasa panahon ng kanyang operasyon. Ito ay lubos na ikinalungkot ng buong iglesya ngunit ito ay naging malaking daan at hamon sa grupo ng mga kabataan sa kalaganapan na tumugon sa panawagan ng Panginoon upang maging manggagawa sa Kanyang ubasan. Kagyat na humalili sa kanya si Pred. J-ar Reyes, na ngayon ay isa nang Pastor, bilang Tagapangasiwang Pastor. Sa taon ding iyon August 18, ang ilang mga lider-kabataan ng iglesya sa Imus ay nagpasimula ng misyon ng pagtuturo sa mga bata sa Phase 1 ng Green Estate sa tahanan ng Kptd. Nida Pitogo at ito’y masiglang naipagpatuloy. Gayundin, nagsimula ang Junior Worship noong unang Linggo ng Pebrero, 2020 sa pagdiriwang ng Buwan ng Paaralang Lingguhan.

Sa pagpapatuloy ng paglilingkod ng buong kapatiran sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy na lumago ang kapatiran sa iglesya sa Imus kung saan unti-unting naipaayos ang gusali na pinagdadausan nito. Sa kasalukuyan, bagama’t dumadaan pa rin sa mga pagsubok ngunit dahil sa pagtutulungan, pagdadamayan, at pagkakaisa ng kapatiran ay nagpapatuloy sa paglago sa pananampalataya at sa bilang ng mga kaanib. Purihin ang Diyos sa araw na ito sa mga susunod na araw pa dahil tunay na ang katapatan at pag-ibig niya ay hindi nagmamaliw. 

Contact
Home: Who We Are

Making A Difference

Untitled235_20200925005122.png

Youth Group Programs

At Imus Unida Ecumenical Church, we are dedicated to stepping up our efforts in addressing this issue. Youth Group Programs is by no means an easy feat, but through cooperation and community empowerment we believe we can facilitate progress in this area. We are always striving to make a difference, and invite you to learn more and lend your support.

Get in Touch

Online Worship during the Pandemic

At Imus Unida Ecumenical Church, we are dedicated to reach each and everyone especially during this time of pandemic. 

Untitled
Untitled

Share the Gospel Thru Song

Creativity is an essential work in sharing the Gospel of Christ

Empowering People 

We believe that the main ministry of Jesus is healing, teaching, and preaching; while the church is task to do worship, teaching/learning, fellowship, preaching, witnessing, and service towards the creation of God. 

Get in Touch
Untitled

Find out more by contacting us through our Facebook Page https://www.facebook.com/ImusUnidaEcumenicalChurch/

Home: What We Do
Untitled

“Taglayin nawa ninyo ang tatlong susi: Susi ng Kaligtasan, Pananampalataya; Susi ng Pagsagana, Pagbibigay; Susi ng Pagtatagumpay, Pananalangin.”

Gloria Asi-Reyes 

Binhi ng Karunungan at Pananampalataya 

Home: Binhi ng Karunungan at Pananampalataya
Untitled236_20200925011013.png

Contact Imus Unida Ecumenical Church

Imus, Cavite, Philippines

  • Facebook

Thanks for submitting!

Home: Contact
Posts are coming soon
Stay tuned...
Home: Blog Feed
Untitled

News & Views

Home: News
Untitled

Ahon, Bangon, Padayon! 


"AHON, BANGON, PADAYON"Isinulat ni Pastor Jarwen Grason A. Reyes

Tinanggal, pinalayas, pinaalis;Dangal ay tila alikabok na winalis;Pagkatao’y tulad ng ipang winasiwas;Damdami’y winalang halaga’t binusan ng hapis.

Ang tanong sa sarili’y saan pa tutungoKung buhay ay tinanggalan ng pagkatao?Lungkot at hinagpis ang bumalot sa puso,Ngunit hinding-hindi pa rin susuko.

Salamat sa Diyos na siyang saklolo,Mula sa dusa, kami’y kanyang hinango,Kaya’t naninindigang taglay ang aming prinsipyo,At pag-asa’y hindi maglalaho.

Tunay na dakila, banal Niyang ngalan;Pag-ibig Niya’y walang hanggan,Biyaya Niya’y sapat sa pangangailangan,Kaya kami’y nabubuhay nang may kaligayahan.

Kami’y itinayo ng Diyos na matibay,Sa anumang hilahil, siya’ng aming kaagapay,Sa aming paglakad, siya’ng aming Patnubay,Kami’y magpapatuloy, kadakilaan Niya’y isasaysay.

Iglesya’y itinayo sa ngalan ng Diyos na marangal,Kaniyang mga turo ang siyang aming aral,Pagkakaisa nami’y ‘di kailanman mabubuwal,Kami ang Iglesia Unida Ekyumenikal.
Kami’y kalipunang ang Diyos ang tumubos,Sa kay Cristo, kaligtasa’y ganap at lubos,Kaaliwan ng Espiritu’y walang pagkatapos,Kami ngayo’y maglilingkod nang hindi kapos.

Asul, aming sagisag ng kapatirang puspos ng pag-asa;Puti, sagisag sa daan, katotohanan, at buhay ng iglesya;Pula, sagisag ng tapang sa hamon at pakikibaka;Mga kulay na naglalarawan sa aming pagkakaisa.

Tayo na, mabuting Katiwalang Kristiyano,Sa Edukasyong Kristiyana, tayo ay lumago,Ganapin ang Misyon at Ebanghelisasyon ni Cristo,Kaisa ang mga simbahang Ekyumenikal sa paghayo.

Halina’t huwag nang mag-atubili,‘Pagkat ang Diyos ang sa ati’y nagbuklodSa pagsamba, pag-aaral, pagkakapatiran, pangangaral, pagsaksi, at paglilingkod,At sa Katawan ni Cristo, tayong lahat ay bahagi.
Kapatid, ito na ang panahon,Mula sa mga karanasan, sama-sama tayong aahon,Madadapa man ngunit patuloy na babangon,Iglesia Unida Ekyumenikal, Padayon!

Aming Diyos, samahan Mo po ang aming iglesyaSa sama-samang paglakad habang Lumalago sa BiyayaAt naipapamuhay ang Gumagawang PananampalatayaSa ngalan ni Cristo Jesus, ang aming patnubay at kasama.

Amen.

Untitled

Kasaysayan ng Imus Unida Ecumenical Church (IUEC) 

Ang kapatiran sa Imus Unida Ecumenical Church ay bunga ng nagkakaisang pagtitipon ng ilang mga sambahayan na magbukas ng isang gawain na kakalinga sa mga itinuturing na aba sa komunidad lalo’t higit sa mga Senior Citizen na laging naiiwang mag-isa sa kanilang mga tahanan. Sa pangunguna ng mag-asawang Reb. Dominador Perez at Diak. Miriam Perez ay binuksan ang garahe ng kanilang tahanan sa dako ng Golden City Subdivision, Anabu II-D, Imus, Cavite upang doon ay magtipon. 

Ang unang mga sambahayang nagtipon doon ay ang mag-asawa nina Reb. Dominador Perez at Diak. Miriam Perez, pamilya nina Kptd. Herson Hembrador at Kptd. Ruth Hembrador, at pamilya nina Reb. Rolando Reyes at Diak. Corazon Reyes noong Abril 10, 2000 sa ganap ika-6 ng gabi. May ilang mga indibidwal mula sa mga kapit-bahay ang nahikayat na maging kaisa sa pagtitipon ng pag-aaral ng Biblia.

Dahil sa lumalagong bilang ng kapatiran na nagkakatipon sa dakong iyon, kinilala ng Ikaapat na Kapulungang Pantaunan ng Iglesia Unida Ekyumenikal ang kapatiran sa Golden City bilang Worshiping Community o Mission Church noong Mayo 20, 2000. Pagsapit ng ika-4 ng Hunyo 2000, unang Linggo, ay ginanap ang kauna-unahang umagang pagsamba at pagdaraos ng Banal na Hapunan ng Iglesya. Mula noon ay naisaayos ang Paaralang Lingguhan at Midweek Bible Study and Prayer Meeting. Sa panahong iyon ay hindi na lamang mga Senior Citizens ang nakasama sa mga pagsamba kundi may iba’t ibang mga edad na mula bata hanggang sa mga may gulang na.
Sa pagkakaisa ng kapatiran ay isinaayos ang unang Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia noong taong 2001. Nangailangan ang Iglesya sa Golden City ng mga guro na magtuturo sa panahong iyon. Kagyat namang tumugon ang pamilya nina Reb. Emmanuel Infante at Diak. Rosette Infante kasama ang kanilang mga anak, gayundin ang ilan pang mga kapatiran na bukas-loob na nagturo sa mga bata na dumalo sa gawain.

Nagpatuloy sa masiglang pagsasama-sama ang buong kapatiran sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga Home Bible Study sa ilang tahanan ng mga kaanib. Sa mga pagkakataon iyon ay nagpapatuloy ang misyon ng iglesya na pagbibigay ng libreng libro sa mga bata na magagamit nila sa kanilang mga pag-aaral. Sa kabila ng kaliitan, aktibong nakibahagi na sa mga gawaing pangkalaganapan ang kapatiran sa Golden City. Hindi naglaon, maraming kaanib ng kapatiran ang nahikayat na tumugon sa tawag ang Diyos na maging Manggagawa sa kanyang ubasan. Kabilang dito sina Kptd. Herson Hebrador noong taong 2004 at si Kptd. Roberto Reyes taong 2005, kapwa silang itinalaga bilang Katulong ng Pastor at Predikador Evangelista. Gayundin, kinilala ang paggampan ni Pastor Reynaldo Banson bilang Katulong na Pastor noong 2006. 
Ngunit sa magkakasunod na taon mula 2005 hanggang 2007 ay isa-isang yumao ang mga manggagawa ng Iglesya sa Golden City. Dahil sa pangyayaring iyon, ilang kapatiran rin ang umalis at hindi na nakibahagi sa pananambahan kaya’t bumaba ang bilang ng mga kaanib, nawala ang mga Home Bible Study, hindi na din naipagpatuloy ang 
Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia, at ang mga pagmimisyon sa mga komunidad. Sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng Iglesya, nagpatuloy sa pagkakaisa at paglilingkod ang mga kapatid na nanatili at sa pangunguna ng Diyos sa bawat kaanib, ginampanan nila ang mga gawain ng iglesya Linggu-linggo. Hindi din naman hinayaan ng IUE sa kalaganapan na magsara ang pinto ng iglesya, bagkus inalalayan nila ang kapatiran sa Golden City sa paghahalin-hinan ng gawaing pastoral tulad ng pangangasiwa sa Banal na Hapunan at Linggu-linggong pagsamba sa pamamagitan nina Reb. Leonardo Morada, Reb. Emmanuel Infante, Reb. Andreo Buerano, at Reb. Wilfredo Fernando.

Nagpatuloy sa pagsama-sama sa pananalangin at pagkakapatiran ang buong iglesya sa Golden City at bilang tugon sa kanilang mga panalangin, isang kapatid mula sa kapulungan ang buong-pusong tumugon upang maging katulong ng Pastor sa mga gawain sa katauhan ni Kptd. Rodel Rodriguez na dating volunteer na nag-aayos ng kapilya linggu-linggo. Taong 2008, siya ay itinalagang Predikador Evangelista.

Hindi pa man tuluyang nakababangon ang kapatiran sa pagharap sa suliranin ng pagkaunti ng bilang ng dalo, isang anunsyo ang ipinabatid sa kanila na ang lugar na pinaggaganapan ng pananambahan ay ipagbibili na ng may-ari nito. Kaya’t agarang naghanap ng lugar na mauupahan ang kapatiran upang magpatuloy sa pagsasama-sama sa pagsamba at pagkakapatiran ang iglesya. Sa pagkakaisa ng buong iglesya katuwang ang mga manggagawa nito, nailipat ang bahay-pananambahan sa Blk 28 Lot 15 Vienna St. Golden City Subd., Anabu 2-F, Imus, Cavite noong Hunyo 2009 sa pagpapaunlak at kabutihang loob na rin ng pamilya ni Pred. Rodel at Kptd. Merly Rodriguez na ipagamit sa Iglesya ang garahe ng kanilang inuupahang bahay, at nagpatuloy ang Gawain sa Golden City.

Sa panibagong yugto ng buhay ng iglesya ay buong pagkakaisa at pagtutulungan sa pagkilos na makapagbukas muli ng misyon ng pagtuturo at pagtulong sa ilang mga bata at sa kanilang mga pamilya na hikahos sa buhay sa dako ng Mary Cris Complex, Pasong Camachile II, General Trias, Cavite sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaunting magagamit nila sa pang-araw-araw at paggabay sa kanila na malayo sa di dapat na gawain. Muli ring nabuksan ang Home Bible Study sa mga kapatiran na nahati sa tatlong lugar: sa mga tahanan ng sambahayan ng mga Reyes tuwing Miyerkules; sa mga tahanan ng sambahayan ng mga Mendoza tuwing Huwebes; at sa tahanan ng pamilya ng Rodriguez tuwing Biyernes. Isa ito sa mga naging paraan upang muling pasiglahin ang mga natitirang sambahayan na nananatili sa iglesya sa Golden City. Unti-unti ring sumigla ang mga gawain ng mga kapisanan lalo na sa mga Kabataan. Bagama’t iilan lamang ang mga kabataang kaanib ng panahong iyon, nagkaisa sila na itayo ang Kapisanan ng Kabataang Unida Ekyumenikal-Golden City sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kauna-unahang gawaing lokal na ginanap sa Kadiwa Park, Dasmariñas, Cavite noong ika-26 ng Agosto 2012. Dahil sa magandang ulat ng Iglesya sa Golden City, sila’y binisita ng kasalukuyang Pangulo ng Iglesya sa kalaganapan, Pred. Justice Raoul Victorino, kasabay ang pagdiriwang ng Linggo ng mga Manggagawa. Noong ika-18 ng Nobyembre, 2012, sa pangunguna at gabay ng Dakilang Diyos at sa pagtutulungan ng buong kapatiran ay naisagawa ang isa pang pagmimisyon sa komunidad ng Brgy. May Mangga, Amadeo. Ngunit nang mabatid na mayroong malapit na kapilya ng UCCP sa dakong iyon ay tinagubilin na lamang sa kanila ang nasimulang misyon ng IUE.
Sumapit ang ikalabintatlong taong anibersaryo ng iglesya, Abril 2013, muling ginunita ng kapatiran ang kanilang kasaysayan sa pagdaan sa mga lubak ng buhay, pagkadapa, at ang pagtayong muli. Lubos itong naging makabuluhan sa bawat isang kaanib. Ngunit sa kabila ng kasiyahang naramdaman ng kapatiran, nalaman din ang balita na binigyan na lamang ng palugit na anim buwan ng may-ari ng bahay na ginagamit ng Iglesya sa Golden City sa kadahilanang gagamitin na raw ng kanilang pamilya ang gusaling iyon. Kaya’t ang buong kapatiran ay nanalanging muli sa Diyos at nagkaisang humanap ng malilipatan ng pagdarausan ng pagsamba.  Bagama’t humaharap sa mabigat na suliranin, hindi naawat ang pagtutulungan ng kapatiran upang patuloy na maglingkod sa Diyos at sa iglesyang ipinagkatiwala sa bawat isa. Muling binuksan ang Pambakasyunang Pag-aaral ng Biblia at ang kaunaunahang Local-Camp ng mga bata na magkasabay na ginanap at sa tahanan ng Kptd. Jesse Reyes at Kptd. Elisa Reyes sa Palazzo Bello, Carsadang Bago, Imus, Cavite noong ika-9 hanggang -10 ng Mayo 2013 na dinaluhan ng labing apat (14) na mga bata. 

Bago pa matapos ang anim na buwan na ibinigay na palugit ng may-ari ng gusaling pinaggaganapan ng pananambahan, isang kaanib ang nagpaunlak na ipagamit sa iglesya ang kanilang nabiling bahay sa katauhan ni Kptd. Marlujn Reyes. Unang Linggo ng Oktubre taong 2013 ay nagsimula ang pananambahan sa Blk 5 Lot 7 Phase 2 Green Estate Malagasang 1-F Imus, Cavite. Sa nagkakaisang desisyon ng konsilyo, pinalitan ang pangalan ng kongregasyon mula sa Golden City Unida Ekyumenikal ay tinawag itong Imus Unida Ecumenical Church. Mula noong makalipat ang kapatiran ay isinama na sa palagiang pananalangin ang pagkakaroon ng sariling bahay-sambahan ang Iglesya. Bagama’t maligaya ang karamihan sa mga kapatiran, may ilang mga kaanib ang hindi na nakibahagi sa pagsamba matapos na makalipat ng lugar sapagkat naging malayo na sa kanilang tahanan. Hindi na rin naipagpatuloy ang mga misyon sa Mary Cris Complex dulot ng kalayuan nito at sa kakulangan sa mga gagampan ng gawain doon kaya’t ipinagtagubilin na lamang ito sa mga iglesya sa dakong iyon.

Taong 2015, muling sinikap na mapasigla ang kapatiran sa pamamagitan ng pagsasaayos muli ng mga klase ng Paaralang Lingguhan at pagpapatuloy ng mga nasimulang pag-aaral ng Biblia sa mga tahanan ng mga kaanib. Gayundin naman, higit na naging masigla ang Kapisanan ng Kabataan at dumami sa bilang. Kaalinsabay nito, isang kabataan mula sa mga kaanib ang buong-pusong tumugon sa tawag ng Diyos sa paglilingkod bilang Predikador Evangelista at Katulong ng Pastor para sa mga Kabataan sa katauhan ni Kptd. J-ar Reyes. Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng buong kapatiran, sa lumalagong pananampalataya sa Diyos, muling itinindig ang mga kapisanang lokal sa paglilingkod sa Diyos, sa Iglesya at sa komunidad tulad ng Kababaihan-Kalalakihan o KabKal, Koro, at Paaralang Lingguhan. Dahil sa pagsigla ng mga gawain ng mga kapisanan at ang patuloy na pagsasagawa ng mga Home Bible Study, marami ang nahikayat na makibahagi at nagbukas ng pagnanais na maging kaanib ng kapatiran sa Imus.
Bago sumapit ang ikalabing-walong taong anibersaryo ng iglesya, taong 2018, ang panalangin ng kapatiran upang magkaroon ng sarili bahay-sambahan ay tinugon ng Diyos kaakibat ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kaanib. Tumungo sina Pastor Rolly, Kptd. Marlujn, at Kptd Janet sa PAG-IBIG fund upang iayos ang mga kaukulang papeles at makuha sa bidding ang gusali na nasa kanan ng pinagdarausan ng pagsamba. Sa isang buong araw na pag-aantay sa resulta habang ang lahat ay nananalangin saan man sila naroon, tinanggap ang magandang balita na napanalunan ng kapatiran ang gusali na kanilang minimithi. Kaya’t ito ay maligayang ipinagpasalamat ng kapatiran bilang kaloob ng Diyos. Mahigit isang Linggo makalipas ang Ikalabing-anim na Pantaunang Kapulungan ng IUE noong Mayo 2018, sa hindi inaasahang pagkakataon ay yumao si Reb. Rolando Reyes (Tagapangasiwang Pastor ng Imus) habang nasa panahon ng kanyang operasyon. Ito ay lubos na ikinalungkot ng buong iglesya ngunit ito ay naging malaking daan at hamon sa grupo ng mga kabataan sa kalaganapan na tumugon sa panawagan ng Panginoon upang maging manggagawa sa Kanyang ubasan. Kagyat na humalili sa kanya si Pred. J-ar Reyes, na ngayon ay isa nang Pastor, bilang Tagapangasiwang Pastor. Sa taon ding iyon August 18, ang ilang mga lider-kabataan ng iglesya sa Imus ay nagpasimula ng misyon ng pagtuturo sa mga bata sa Phase 1 ng Green Estate sa tahanan ng Kptd. Nida Pitogo at ito’y masiglang naipagpatuloy. Gayundin, nagsimula ang Junior Worship noong unang Linggo ng Pebrero, 2020 sa pagdiriwang ng Buwan ng Paaralang Lingguhan.

Sa pagpapatuloy ng paglilingkod ng buong kapatiran sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy na lumago ang kapatiran sa iglesya sa Imus kung saan unti-unting naipaayos ang gusali na pinagdadausan nito. Sa kasalukuyan, bagama’t dumadaan pa rin sa mga pagsubok ngunit dahil sa pagtutulungan, pagdadamayan, at pagkakaisa ng kapatiran ay nagpapatuloy sa paglago sa pananampalataya at sa bilang ng mga kaanib. Purihin ang Diyos sa araw na ito sa mga susunod na araw pa dahil tunay na ang katapatan at pag-ibig niya ay hindi nagmamaliw. 

Home: Gallery

Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook

©2020 by Imus Unida Ecumenical Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page